Tuesday, March 6, 2012

UP Babaylan x Erin Tañada : Transparency and accountability with a Heart




Tañada: “Transparency and accountability with a Heart”
06 March 2012 - Deputy Speaker Lorenzo “Erin” R. Tañada expressed his congratulations to Heart Diño, the University Student Council (USC) Chairperson-Elect of the University of the Philippines - Diliman. Diño, who ran under UP Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (ALYANSA), is the first transgender woman to hold such a post in the history of student leadership in the country.
“Beyond being a transgender woman, I would like to commend Heart, together with her party, because their main platform is not just to end gender discrimination, but also to ensure transparency and accountability in the student council,” Tañada said.
“Transparency in finances is often taken for granted in our institutions. This has to start in youth organizations such as the student council so they may become a shining example for government officials to emulate.  As the saying goes, ‘what better way to start than in your own backyard’,” he said.
Diño and UP ALYANSA ran under a platform of transparency and accountability that prioritized the release of accurate and honest financial statements that will reflect all transactions of the USC, especially since a bulk of its funds come from the students themselves.
Tañada, as an advocate of the Freedom of Information Bill, is pleased “that students in UP, through the leadership of Heart and UP ALYANSA, will be given what is due to them-- the knowledge that their money is being spent wisely by the student council in order to provide relevant campaigns, activities, and services. This is also how the government should be.”
“I'm also looking forward to meeting Heart and her USC in the upcoming budget deliberations, where I'm sure they will be present as they push for higher subsidy for state universities and colleges (SUCs).  I hope they also scrutinize how the University spends the money that government has been allocating to SUCs,” ended Tañada.
____________________________________________________
Ipinahayag ni Deputy Speaker Lorenzo “Erin” R. Tañada ang kanyang pagbati kay Heart Diño, ang  University Student Council (USC) Chairperson-Elect ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. Si Diño, na tumakbo sa ilalim ng UP Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (ALYANSA), ang unang transgender na babae na hahawak sa ganitong posisyon sa kasaysayan ng pamumunong mag-aaral sa bansa.
“Higit pa sa pagiging transgender woman, gusto kong batiin si Heart, kasama ang kanyang partido, dahil ang kanilang pangunahing plataporma ay hindi lamang para wakasan ang diskriminisayon base sa kasarian, kundi pati ang pagtitiyak ng pagiging bukas at pagkakaroon ng pananagutan sa sangguniang mag-aaral,” ani Tañada.
“Ang pagiging bukas pagdating sa pondo ay kadalasang nakakaligtaan sa ating mga institusyon. Kailangan itong simulan sa mga samahan ng kabataan kagaya ng mga student council upang maging matingkad na halimbawa sila para tularan ng mga pampublikong opisyal. Ayon nga sa kasabihan, ‘anong paraan pa ba dapat magsimula kundi sa inyong sariling bakuran’,” aniya.
Si Diño at ang UP ALYANSA ay tumakbo sa ilalim ng plataporma ng transparency at accountability na nagbibigay halaga sa paglabas ng maayos at tapat na mga financial statement na sasalamin sa lahat ng mga transaksyon ng USC, lalo na't karamihan ng pondo nito ay galing mismo sa mga mag-aaral.
Nagagalak si Tañada, bilang tagapagtaguyod ng Freedom of Information Bill, na “ang mga mag-aaral sa UP, sa pamumuno ni Heart at ng UP ALYANSA, ay maipagkakaloob ang nararapat na sa kanila-- ang kaalaman na ang pera nila ay maayos na ginagastos ng sangguniang mag-aaral para makapagbigay ng mga makabuluhang kampanya, aktibidad, at serbisyo. Ganito dapat ang pamahalaan.”
“Nasasabik na rin akong makilala si Heart at ang kanyang USC sa paparating na mga deliberasyon para sa budget, kung saan tiyak kong naroroon sila para igiit ang mas mataas na subsidyo para sa state universities and colleges (SUCs). Nawa'y kilatisin din nila kung papaano ginugugol ng Unibersidad ang pera na inilaan ng pamahalaan para sa mga SUC,” wakas ni Tañada.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...